Ibaan Meat Central: Katuparan ng pangarap

Leave a comment

DSC08360.JPGPinangunahan nina Department of Agriculture Assistant Secretary Dr. Enrico Garzon at  Ibaan Mayor Danny Toreja ang Groundbreaking Ceremony nuong ika-30 ng Hulyo, 2016 bilang hudyat ng paagsisimula ng konstruksyon  ng  Ibaan Meat Central sa  Brgy. Lapu-lapu, Ibaan, Batangas.

DSC08356“Ito ang katuparan ng aming pangarap”masayang  wika ng ama ng Meatworld group of companies na
si Boss  Delfin T. Alcoreza.

Dito manggagaling ang  supply ng may matataas na kalidad na karne at produkto ng karne na swak na swak sa pangangailangan ng sambayanang pilipino.

Magiging katuwang din ang kumpanyang ito sa pagbibigay ng maraming hanapbuhay  hindi lamang sa Ibaan kundi maging sa  karatig pook nito.

Dalangin namin ang tagumpay ng kumpanyang ito dahil ang tagumpay nito ito ay tagumpay nating mga pilipino!

Honk! Honk!

Mga nagbahagi: Geng  Garcia at Marivic Gan

 

 

 

 

 

 

Gung Ho Committee membership registration: Extended

Leave a comment

The Gung Ho Culture Bearer Committee membership registration is extended until July 27, 2016, our Gung Ho Champion, Ms. Geng D. Garcia informed us yesterday afternoon, July 19, 2016.

Everyone is given ample time to choose which committee they prefer to join.

For those who have not yet chosen which committee to join, you may select on the following:

  • Marketing & Promotion Committee– responsible in hyping-up and promoting of  activities and events
  • Training & Development Committee–  responsible in increasing the knowledge and skills of the employees through skills and development training
  • Evaluation & Recognition Committee– responsible in evaluating and recognizing the good works of employees
  • Events & Programs Committee– responsible  in planning and executing of events and programs in the company
  • Secretariat– responsible in screening the recommended activity and ensuring that no overlapping of activities are made

Retail outlet employees can register through  their head butchers or Area Supervisors. For employees assigned at base 1 & 4, registration form is available  near the guard’s place.

This membership registration is for those who have undergone the Gung Ho! Training program.

Honk! Honk!

 

Gung Ho Committee Registration

Leave a comment

Gung Ho Committee Registration 1_001

Contributor:  Geng Garcia

Meatworld family joins shake drill

Leave a comment

09430015.JPGTo increase awareness and promote preparedness in case a 7.2 magnitude earthquake hits Metro Manila,  Meatworld family joins the 2nd Metro-wide shake drill this morning, 9:00 AM, June 22, 2016 at MII head office in Navotas City.

A top geoscientist said that based on historical data, a 7.2 magnitude earthquake may strike anytime  due to the movement of the West 09430014.JPGValley Fault that travels across Metro Manila.

Here are some safety tips that will guide us when a natural disaster like this occurs.

When shaking starts the following must be followed:

  • Stay calm
  • Move away from windows or glass
  • Drop down to the floor
  • Take covNOVATEK CAMERAer under a strong desk, table or other furniture. If this is not possible,
    cover and protect your head and neck with your arms
  • Hold on to your position until the shaking stops
  • Keep the door open

When shaking stops the following must be done:

  • Evacuate. Walk quickly. Do not run/push
  • Go to the nearest exit
  • Walk along the right side of the stairway (left side is for rescue services)
  • Help persons with disabilities
  • Move away from buildings, trees, streetlights and power lines

Being prepared may  not prevent  a disaster but  it will give you the confidence to face natural catastrophe.

“Iba na ang handa!”

Gem Abadilla: Bida ang tatay ko winner!

Leave a comment

gem & TungolNakamit ni Gemmalyn l. Abadilla  ng Sales Administration ang unang pwesto sa Bida ang tatay ko, photo story contest para sa Araw ng mga Ama ngayong buwan ng Hunyo, 2016.

Sa maikling kathang ginawa ni Gem, inilarawan niya ang  pagpapakasakit, pagsusumikap at pagmamahal ng  kanyang ama sa kaniyang pamilya.

Para  kay Gem, kung may forever talaga,  ang kanyang amang si Guillermo Abadilla o Tungol sa karamihan ang kanyang forever.

Sabi ni Gem, siya ay isang tipo ng ama na hindi inuuna ang sarili para sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Hindi raw nito iniinda ang pagod at lubos na kasiyahan na maibigay ang pangangailangan ng anak lalo na kung ito ay tungkol sa  pag-aaral. Naalala rin ni Gem ang kwento ng kanyang ina na maski nung binata pa ito, siya rin ang tumayong ama para sa mga kapatid nito,  isusubo na lang para sa sarili ay ibibigay pa nito sa kapatid niya.

Para sa kaalaman ng lahat, si Tungol ay isa sa ating magigiting na matansero.

Base sa kwento ni Gem, bida ang tatay niya  kasi nung Elementary  siya,  nakatanggap siya ng bag na stroller galing sa ama, ang perang pinambili  rito ay para sana sa sapatos ng tatay niya  para sa Basketball tournament na ginaganap taun-taon sa kumpanya pero hindi nito binili at pinagtiyagaan ang lumang butas na sapatos bagkus pinambili niya ito ng  bag para sa anak.

Nasa High School naman si Gem ng magkasakit ang kanyang ama at  mawalan ng hanapbuhay ng mahigit anim na buwan. Halos mawalan ng pag-asa ang pamilya  dahil may dalawang anak ito nuon na kasalukuyang nag-aaral. Pero nanaig ang pagiging haligi ng tahanan ni Tungol at hindi ininda ang sakit na nararamdaman, naghanap ito ng ibang pagkakakitaan. Nagtinda-tinda ito para lamang matustusan ang pag-aaral ng mga anak at ang pang araw- araw na gastusin ng pamilya.

Alam ninyo ba na sampung piso lang ang baon ni Tungol araw-araw pagpasok sa trabaho?Ito lang ang halagang iniiwan  siya para sa sarili niya at lahat ay inilalan niay para sa kanyang pamilya. Damang-dama ni Gem ang  pagtitiis ng ama mairaos lamang ang pang araw-araw na gastusin nila.

Isang kaklase nga ni Gem ang nagsabi  sa kanya ng ganito “Ang swerte mo sa tatay mo kasi kahit kailan hindi siya nagreklamo sa mga sakripisyo niya para sa inyo samantalang ang tatay ko kulang na lang isumbat lahat ng binigay niya para sa aming mga anak niya.”

Ang paghihirap ni Tungol ay hindi binigo ng kanyang anak ng magtapos ito sa kolehiyo. Ngayon ay katulong na niya si Gem sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.

Kahanga-hanga ang katatagan, pagtitiis at pagsisikap na ginawa ni Tungol para sa kaniyang pamilya. Isang magandang ehemplo ng isang padre de pamilya. Pamarisan nawa siya ng iba.

Mula sa  aming lahat, ang aming taos pusong pagbati sa Araw ng mga Ama at tunay na bida, tatay  Guillermo Abadilla.

Happy Fathers Day din sa lahat ng mga tatay sa ating kumpanya.

Congratulations Gem!

Honk! Honk!

Meatworld: The Best!

Leave a comment

Area 1 Winner2016 Sportsfest.jpgPinatunayan ng Meatworld International, Inc. na sila ang pinakamagaling sa larangan ng larong basketball ng talunin nila ang Vectura, Inc. 85-70 kanina, ika-8 ng Hunyo, 2016 sa Vitas Covered Court, Tundo, Maynila.

Bumawi ng husto ang mga manlalaro ng MII mula sa pagkatalo nila sa Vectura, Inc. nitong  Lunes, ika-6 ng Hunyo, 2016.

Ang pinagsama-samang liksi at kakaibang taktika na ginawa nina Homer dela Cruz, Eric Mendoza, Jolly Arganda atbp. ang nagbigay ng mahigit 10 agwat na puntos mula 2nd quarter at tuluyang nagpahirap sa Vectura, Inc para hindi na makabawi pa.

Pagkatapos ng laro, pinarangalan ang mga empleyadong nagsilbing huwaran para sa katatapos lamang na palaro gaya nina Nikki Buenaventura-MVP sa Volleyball, Homer Dela Cruz- MVP sa Basketball, Aristioni Libao- Sportsmanship Award, Mytical Five: Point guard- Erwin Garcera, Shooting guard- Edson Espino, Small Forward-Jomie Valle, Power Forward- Homer Dela Cruz at Center- Jolly Arganda.

Congratulations Meatworld! Congratulations Area 1!

Honk! Honk!

 

 

 

 

 

Head office: Champion sa Volleyball

Leave a comment

13410468_10210072270981976_1896049497_oPangatlong taon na to!

Di na pinalagpas ng mga manlalaro  ng Head office  ang pagkakataon at nasungkit na naman nila sa pangatlong pagkakataon ang kampeonato sa volleyball. HIndi nakaporma ang Retail Sales  sa tatlong magkakasunud-sunod na set sa score na  25-5, 25-10 at 25-21 kahapon, ika-6 ng Hunyo, 2016 sa Vitas Covered Court.

Hindi man naging maganda sa unang pagtatagpo at nakuha ng Retail sales ang panalo nuong ika-16 ng Mayo, 2016, hindi ito naging daan para panghinaan ng loob ang mga manlalaro ng Head office bagkus lalo itong nagpursige  at nagsikap para makabawi at manalo.

Sa pamamagitan ng dalawang araw na pag-eensayo, pag-uusap, pagkakaisa at higit sa lahat pagdarasal, naging matagumpay ang dalangin ng mga taga opisina. Kitang-kita  ang commitment ng bawat isa. Masaya at maingay na nagchecheer ang lahat habang naglalaro ang mga kasama .

Congratulations kina Grace, Sarah Jane, Vita, Charm, Nikki, Celine, Vanny, Gem, Rachel, Jomar, Reggie, Tina, Maricar, Sarah Mae at siyempre sa sarili ko for a well deserved victory!

Salamat din sa mga manlalro ng Retail sales for being a good sport!

Honk! Honk!

Older Entries

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 197 other followers