Refer-a-Friend is back!

Leave a comment

Ilang araw na lang ay ‘ber months na naman!

As usual, bilang paghahanda sa ating peak season ay nangangalap tayo ngayon ng mga makakasama natin sa hanapbuhay.

Inaanyayahan ang lahat ng empleyado na sumali sa ating Refer-a-Friend program. Mag-refer lamang kayo ng mga kamag-anak o kaibigan na naghahanap ng trabaho at magkakaroon kayo ng hanggang P500 bawat referral.

Para sa mga outlet merchandisers, P200 ang referral gift na ibibigay ng Winfield sa bawat trainee na maire-refer sa kanilang Meat Retailing Course. Kailangan lamang niyang makatapos ng hindi bababa sa 52 araw na on-the-job training sa provincial outlets. Kung siya ay magiging probationary employee ng Meatworld, ang Meatworld naman ang magbibigay ng P300 referral gift sa empleyadong nag-refer.

Para sa non-outlet positions naman, P500 ang katumbas ng bawat successful referral. Kailangan lamang niyang tumagal ng at least three months sa kumpanya.

Ikalat na sa mga kakilala ninyo na nangangailangan ng maraming empleyado ang Meatworld! Huwag kalimutang sabihing may training program ang Winfield na tutulong sa kanila kung nais nilang maging outlet merchandisers.

Ang mga nais maging merchandiser trainee ay maaaring magpadala ng resume at humingi ng dagdag na impormasyon mula sa ating training partner, ang Winfield International Training and Consultancy, Inc..

Ang mga available positions sa opisina ay:

  • Accounting Assistant (4)
  • Tax Associate (1)
  • Outlet Management Assistant (2)
  • HR Assistant (3)
  • Quality Assistant (1)
  • Sales Administration Assistant (1)
  • Area Supervisor (1) – field work
  • Audit Assistant (2)

Para sa mga office positions na nabanggit, maaaring ipadala ang resume nila sa recruitment@meatworldintl.com. Siguruhin lamang na sa email pa lang ay nabanggit na ang pangalan ng empleyadong nag-refer.

Ang Refer-A-Friend 2 ay ipatutupad hanggang Nobyembre 30, 2014. Sali na!

Goodluck sa lahat!!!

Payroll cut-off, iniusog ng isang araw

Leave a comment

MemoSa pagnanais nating isa-ayos ang ating sistema, magkakaroon ng maliit na adjustment sa cut-off dates na ginagamit sa pag-compute ng ating payroll.

Isang araw lamang na iuusog ang ating cut-off subalit pareho pa rin ang petsa kung kailan matatanggap ang sahod.

  Dating cut-off Bagong cut-off Araw ng sweldo
Batch 1 6th – 20th 5th – 19th 27th
21st – 5th 20th – 4th 12th
Batch 2 28th – 12th 27th – 11th 19th
13th – 27th 12th – 26th 4th

Sanhi ng pagbabagong ito, ang makukuhang sweldo ng Batch 2 sa darating na Agosto 19, 2014 ay para sa kanilang ipinasok mula Hulyo 28 hanggang Agosto 11. Kung susundin ang dating cut-off, dapat sana’y ang makukuha nila ay hanggang sa ipinasok nang Agosto 12 kaya’t kulang ng isang araw. Ang kulang na araw na ito ay makukuha sa susunod na payroll, Setyembre 4, upang sumakto na ang mga petsa ayon sa bagong cut-off.

Gayundin naman, ang makukuhang sweldo ng Batch 1 sa darating na Agosto 27, 2014 ay para sa kanilang ipinasok mula Agosto 6-19. Sa susunod na payroll, Setyembre 12, ay eksakto na ang petsa ayon sa bagong cut-off na Agosto 20 hanggang Setyembre 4.

Mapupunang ang lahat pa rin ng araw na ipinasok ay mababayaran; mag-iiba lamang ang cut-off dates at ang impact nito ay sa simula lamang.

Ang maliit na pagbabagong ito ay malaki ang maitutulong upang mapaigi ang ating sistema. Maraming salamat sa inyong pakikiisa!

Gung ho!

Pagre-report sa opisina ng mga drayber

Leave a comment

MemoSa memorandum na inisyu ng Purchasing and Logistics Department ay ipinaalala sa mga delivery drivers ng kumpanya ang mga sumusunod:

  1. Kung may pull-out mula sa mga outlet, dapat ay ibaba muna ang mga ito sa Base 1 bago pumunta sa opisina.
  2. Pagkatapos ng biyahe ay magpakrudo na. Isama ang resibo sa trip ticket.
  3. Ang lahat ng dokumento (delivery receipts, counter receipts, sales invoices, pull-out slips, trip tickets, resibo ng krudo, etc.) ay dapat dalhin sa opisina sa araw rin ng delivery.
  4. Ang mga allowance ay dapat ma-liquidate sa parehong araw.
  5. Kung talagang malayo ang biyahe, ang pagsusumite ng dokumento at pagli-liquidate ay papayagang gawin hanggang kinabukasan lamang.

Hinihiling ang pakikiisa ng mga drayber sa mga tuntuning ito, pati na rin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga apektadong departamento (Sales Administration, Accounting, etc.)

 

Basketball tournament sizzles up!

Leave a comment

Will the Retail Group bring home the bacon, or will Base 1 employees prove they’re number one?

Team Customer Service with muse Krischelle Anne Panlilio

Team Customer Service with muse Krischelle Anne Panlilio

We will find out soon enough– because tomorrow, Team Customer Service (Retail Group) will face Team Integrity (Base 1) in what could be the final game for the 2014 Meatworld Basketball Tournament.

“Our players are committed; (they are) always listening to their coach and following the game plan,” says Ms. Rose Balina, an Area Manager from the Retail Group.

This will be the Retail Group’s second year for the title if they succeed. Considered the “Goliaths” of the court, this year’s team consists of Richard Biclar, Homer dela Cruz, Abha Cerdon, Eric Mendoza, Hermie Suangco, Eldrin Placido, Ronald Ereño, Frank Parnecio, Rey Belmonte, Ramil Suba, Romnick Bernardo, Ronnie Flores, Jethro De Luna and Coach Marvin Estillore.

On the other hand, theire opponents from Base 1 are considered “Davids” of the court because, lacking physical height, they have both determination and faith that the trophy belongs to them. Coach Jay-Are Camino says his players are “small but terrible” and warns Team Customer Service that “bilog ang bola,” which clearly speaks of Team Integrity’s intent to deprive their opponent of a back-to-back championship.

Team Integrity with muse Ellen Callos

Team Integrity with muse Ellen Callos

Team Integrity is composed of employees from Cold Chain Operations, Manufacturing, Quality Assurance R& D, Engineering and service provider (Karne para sa Masa). In the line up are Marvin Pastor, Gilbert Sangalia, Jeprey Niño Laoang, Jhoram Llaguno, Michael Rostata, Lindill Surita, John Paul Rama, Raffy Escovidal, Adonis Dolores, Dennis Estimos, and Francis Arcilla, with Jay-Are Camino and Greg Parungao as coaches.

The 2014 Meatworld Basketball Tournament aims to provide an opportunity for Meatworld family members to exhibit excellence, integrity and commitment through a team- based, competitive sporting activity. It started last April 8, 2014 with Team One Family (Head Office), Team Excellence (Quisine 101), Team Commitment (Slaughterhouse), Team Customer Service (Retail Group) and Team Integrity (Base 1). The champion will receive a trophy plus Php 10,000.00 in cash. The 1st runner up will receive a trophy plus Php 7,000.00 in cash. The rest will receive a consolation prize of Php 1,000.00 per team.

 

Contributor: Marivic de Castro

Team for the environment, binuo

Leave a comment

save-energyAng pagtitipid ng kuryente at tubig ay hindi lamang upang mabawasan ang gastusin. Ito ay pagpapahayag ng pagmamalasakit sa kalikasan na dapat ay nasa puso nating lahat.

Isang grupo ang itinatag ng kumpanya upang pangunahan ang layuning turuan at hikayatin ang mga empleyado upang magtipid sa paggamit ng kuryente at tubig. Inaasahang hindi magtatagal ay maglalabas sila ng mga programa para rito.

Habang hinihintay natin ang mga programang ito, ang lahat ay inaanyayahang magpakita ng suporta sa pamamagitan ng:

  • Pagpapatay sa lahat ng electrical equipment na hindi ginagamit, lalo na sa labas ng office hours.
  • Paghugot sa saksakan sa lahat ng gamit bago umalis ng opisina.
  • Pagsasara ng gripo habang nagsisipilyo.

Ang mga ito’y maliliit na bagay na may malaking impact kung gagawin ng lahat. Inaasahan ang inyong kooperasyon.

Gung ho!

Payroll system, nagkaroon ng error

Leave a comment

Noong nakaraang payroll cut-off (April 1-15 Batch 1), nagkaroon tayo ng payroll system error na hanggang ngayon ay hindi pa alam ang dahilan.

Dahil dito, ang ilan sa ating mga kasamahan ay kulang ang natanggap na sweldo sa kanilang ATM.

Para sa mga kulang ang suweldo ng apat na araw pataas, ang kapupunang halaga ay matatangap bukas, ika-17 ng Abril.

Ang mga kulang naman ang suweldo nang hindi aabot sa apat na araw ay isasama na lamang sa susunod na payroll. Ito ay upang maiwasan ang pagdoble ng mga mandatory deductions tulad ng SSS contributions.

Humihingi ng paumanhin ang management sa hindi inaasahang sitwasyong ito. Nakikipag-ugnayan ang ating IT Department sa ating system provider upang malaman ang puno’t dulo ng problema nang sa gayon ay hindi na ito maulit.

Muli, hinihingi namin ang inyong pang-unawa.

Paalala sa mga tumatanggap at naglalabas ng produkto

Leave a comment

memoAng pagtanggap at pag-isyu ng produkto ay sensitibong mga gawain na may kaakibat na responsibilidad. Hindi ito dapat ipagwalang-bahala sapagkat dito nakasalalay ang seguridad ng ating imbentaryo.

Gayunpaman, napuna ng Accounting Department na minsan ay pinipirmahan na lamang basta ng ilang empleyado ang mga dokumentong patibay ng pag-isyu o pagtanggap ng produkto (buhay na hayop, karne, outlet supplies, manufacturing/production supplies, office supplies, atbp.).

Pinapaalalahanan ng Accounting Department ang lahat ng mga empleyadong tumatanggap o nag-i-isyu ng lahat ng produkto na siguruhing nakita ng mismo nilang mga mata ang mga bagay na ito bago pirmahan ang mga dokumentong patibay (delivery receipt, issue slip, pull-out slip, representation slip, receiving report, etc.).

Dagdag pa rito, ang pagtitimbang ng mga karne ay kailangang gawin sa lahat ng pagkakataon. Kung sino ang nag-iisyu ng karne ay siyang dapat na magtimbang kaharap ang taong tatanggap nito.

Upang bigyan ng pagkakataon ang mga kinauukulan na gumawa ng adjustments sa kani-kanilang departamento kung kinakailangan, ang patakarang ito ay mahigpit na ipatutupad simula ika-3 ng Marso 2014.

Gung ho!

Older Entries

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 95 other followers